Tula Poem Filipino - Tumblr Posts
8 years ago

“Consummatum Est”
i. Ito na ang huling yugto ng mga nobela't kuwento at tanging bulag at pipi ang mg bihag na saksi.
ii. Ang buslo ng mga binhi, tanging sandata ay pluma. Gawing bala ang salita, dusa mo ay ipapawi.
iii. Ihip ng 'sang porselana, isang upos na kandila. Gawing palito'y salita, Sindihan ang kaluluwa.
iv. Kung ang totoo ay mali, mali ba'y mapapawi? Mabuti pa na mawala kesa aminin ang sala.
v. Mi ultimo adios, mahal! Ako'y isang nasasakdal. Kasalanan daw iwika ang pagmamahal sa kapuwa.
vi. Ito na ang huling tagpo— mali, ito'y bagong libro. Punuin ng sugat' dugo, sisibol ang bagong yugto.
Tags :