Written By Herri - Tumblr Posts
mga bakla, mga bading-
(p.s i don’t know hikaru’s tumblr😭)
Bakla Sa Starbucks
Devil Butler x Reader Modern AU (Crack)
Horishet I can't stop laughing.
Neways, this is written in Tagalog (Filipino). I'm high when I wrote this. My writing in Tagalog sucks even though this isn't my main language. I was born with a native tongue which is other than Tagalog lmao.
Neways, have fun reading my fellow pipinos (lol)
Tagging: @kazune-nene, @l1qiaruru, @imnotmarianne
p.s. can someone tag hikaru?
"Ui Flure," tinawag mo yung kasama mong nakatulala at tumingin sa kung saan-saan sa kapehan. "Ano tinitingin tingin mo diyan? Mawalan na ng init yung kape mo mamaya kakatulala mo diyan."
"Ay nakalimutan ko--" Inihipan ni Flure yung kape niya at unti-unting niyang ininom yung di-masyadong mainit na kape. "Oo pala, ba't mo 'ko tinawag sa Starbucks? Kanina ko pang hinihintay yung dahilan mo."
"Ah oo pala," sabi mo. "May nakita akong matangkad na bakla last week."
"Matangkad na bakla...?" Tanong niya. "Oo!"
"Matangkad siya, may pula o pink na color sa buhok niya, tapos may black sa kabila ata-- mahaba yun eh. Pogi niyang tignan tapos laging nakangiti," sabi mo tumango lang si Flure.
"May kasama din siyang tanda na parang mid 30's tignan. Ewan ko kung tanda ba talaga yun o hindi. Basta! Mukha lang bakla yung isang yon," sabi mo habang ininom mo ang kape mo. "Ack- sakit sa ulo. Ang lamig."
"Magdahan dahan ka naman kasi," sabi niya at tumingin sa paligid.
Habang nag-uusap yung dalawa, may dalawang lalaki na umupo sa mesa malapit sa kanila. Pangiti-ngiti yung isa tapos seryoso yung kasama ng lalaking ngumiti. Habang iniisip ng lalaking puting buhok, nagsalita ang kasama niya.
"Miyaji, pumili ka na ba?" Tanong ng kasama ni Miyaji. "Maghintay ka nman diyan Lucas. Ingay mo." Sabi niya at pumili na siya para pumunta sa linya si Lucas.
Habang hinihintay ni Miyaji si Lucas, narinig niya ang pinag-usapan niyo dalawa ni Flure at mukhang interesado si Miyaji.
"Teka, parang siya yung bakla na tinutukoy mo." Sabi ni Flure at tinignan mo kung saan. "Hoi tanga nasa linya siya." Tinignan mo yung linya at nahulog yung bunganga mo. Mabilis mong ininom yung kape mo at iniwas mong tumingin sa taong tinawag mong bakla.
'Shet! Parang kilala ko yan ah!' Namutla ka sa nerbyos at nakita yan ni Flure. "Oi bat parang nakakita ka ng multo. Kilala mo yan? May ginawa ka bang masama sa kanya?"
"Tumahimik! Biology teacher ko yan!" Tahimik mong sumigaw kay Flure. "Di ko alam yung substitute teacher ko sa Biology yan! Tinawag ko pa yang bakla-- ay nakakahiya!"
Pinilit na di tumawa si Flure. Alam mo na nakakatawa pa rin yan sa kanya kasi lagi niyang tinakpan yung bibig niya kapag gusto niyang tumawa pero nasa pampublikong lugar kayo. "Mukha bang bakla yan sa'yo? Parang lalake yun eh hehehe..."
"Oi 'wag. Tumahimik ka Flure. Lagot ka sa akin." Tinakpan mo yung mukha mo sa hiya. Pulang-pula ka na parang kamatis sa grocery store.
"Di ko alam na tinawag niyong bakla yung prof mo, Garcia."
Tumigil sa pagtawa si Flure na tinignan niya kung sino tumawag sa kanya. Biglang namumutla si Flure sa nakikita niya. "P-prof Tanda! Di kitang na-nakitang pumasok dito!"
"Sinabi ko sayo na 'wag mo akong tawagin "Prof Tanda"," Sabi niya."Mukha ba akong matanda sayo?"
'Shet... Ang pogi...'
"Sa buhok mo palang, oo." Biglang na-flick ni Miyaji yung noo ni Flure. "Aray naman..."
"Sa sagot ng tanong ng kaibigan mo, oo. Bakla talaga siya." Pangiti-ngiti niyang sinabi ang sagot niya. Tapos ikaw naman, parang may nakita kang bulaklak sa palibot niya. "Weh? Seryoso?" Tanong ni Flure at tumango lang si Miyaji. Tumingin si Flure sa'yo at ngumiti parang pusa, "'Yan na ang sagot sa tanong mo."
'Shet. Ang pogi.'
"Heh mukha lang pogi sa labas pero bakla lang talaga yan." Ngumiti pa rin si Miyaji tapos nasilawan ka sa ngiti niya. "F-Flure, nakakasilaw yung ngiti niya."
'Shet. Ang pogi!'
"Minsan lang yan ngumiti si prof Miyaji. Magtiis ka. Parang araw siya pag ngumiti," sabi ni Flure habang sumuot ng sunglasses. "Pati ikaw nasilawan din," sabi mo at kinuha mo yung salamin sa kanya.
'Shet! Ang pogi niya!'
Habang nag-uusap kayong tatlo, bumalik si Lucas sa mesang kung saan nandun si Miyaji. Pangiti-ngiti lang si Miyaji na parang gusto ni Lucas na di magsalita sa kanya. Pero sa huli, ginawa din niyang magsalita at tinanong si Miyaji kung bakit ngumiti ang kasama niyang laging nakasimangot kapag kasama siya.
"Lucas, bakla ka ba?" Napa-choke nalang si Lucas sa tanong ni Miyaji. Lumaki yung ngiti niya at napatawa nalang sa reaksyon ni Lucas.
"Sinong nagsabi na bakla ako?" Tanong niya habang pinapahid niya yung bibig niya gamit ng tissue. "Wala lang. May narinig akong nag-uusap tungkol sa'yo na bakla ka daw."
"Di ako bakla. Aba--"